Linggo, Oktubre 11, 2015

DA BEST PALABOK SA STA. ANA

Sabi nila, ang pinakamasarap na handa sa kaarawan ay cake, spaghetti, at ice cream. Ngunit nang sumapit ang aking 21st birthday, nagbago ang lahat. 
Sa aking ika- dalawampu’t isang kaarawan, ito na yata ang pinaka masarap na palabok na natikman ko! ito ay ang BABY’S PALABOK. Ito ay matatagpuan sa Sta. Ana Manila sa loob ng Sta. Ana Market. Ito ang pinakahuling stall sa mga palabok vendors at masasabi kong sa bawat subo ng palabok ay tiyak na uulit-ulitin mo ito. May kakaiba itong recados na talaga naming labis na nagpatakam sa aking kumakalam na sikmura. Ito  ang pinaka masarap na regalo sa akin ng aking matalik na kaibigan. Talaga nga namang sisimutin mo ang lalagyan kapag ito ay iyong natikman. Ang daming sahog ng palabok na ito na nagsisilbing Competitive advantage nito sa iba. Nakapa gaan sa pakiramdam ng lugar. Good vibes ako palagi sa tuwing napapadaan ako rito at kumakain. Nakapabait rin ng mga taga pamahala nito. The best talaga mula sa produkto hanggang sa Customer Service.
San ka pa? Tara ! Kain tayo. 
Isang beses lang! Ikaw mismo ang humusga 
BETH’S PALABOK ! KABAHAN KA NA !:D   

Miyerkules, Oktubre 7, 2015

#HappinessOverload



















 Dahil sa mahilig ako sa kape na attract ako sa isang food cart na aking nadaanan sa amoy ng mabangong aroma ng kanilang kape. Namangha ako sa kalinisan ng kanilang store at mayroong silang tables na kung saan maaari kang mag stay habang ikaw ay nagkakape.
 Dala nang aking pagkahilig sa kape na enganyo akong bumili nito, at ito ang BARAKO BREWS na kasamang mainit na BIBINGKA. Hindi  ako nagkamali sa aking binili sapagkat  ang kanilang kape ay
nagbigay sa akin ng kakaibang saya at ang kanilang bibingka ay hindi gaanong matamis at hindi rin gaanong maalat  kumbaga sa coke sakto lang . Makakabili ka sa abot kayang halaga, 52 pesos,  may kape kana may bibingka  kapa.  Ang BIBINGKINITAN store ay matatagpuan sa Ermita SM City Manila.


#SarilingHappiness
#HappinessOverload






















Anjanette C. Torres

Biyernes, Oktubre 2, 2015

Da' Conquer-dians: Chicken na Pizza =)

Isa ka ba sa mahilig mag foodtrip na kada may bago, ito ang parati mo nasasambit "WOW, mukhang ang sarap naman noon. tara try natin?." ganyan tayo mga Pilipino mahilig kumain =) past time na natin yan ehh. sa barkada kapag wala kakambal na kainan hindi kumpleto ang bonding natin. pag stress ka pagkain din kakambal mo. tama ba ako?

kaya pagdating sa mga bago pagkain updated tayo dyan at ito yung talagang nakapukaw saking pansin, Chicken na Pizza pa!! ng KFC Chizza



how this happen diba? kumpara natin sa iba pizza na gawa sa tinapay na may iba't-ibang laki.kakaiba diba?

Alam natin na pagdating sa manok magaling talaga ang KFC, at lagi tayo makakasiguro at mabibigla kapag meron sila bagong ihahain satin, Tanong ko lang, paano mo gagawin panibagong putahe ang pizza? Madali lang tangalin mo yung crust at palitan ng manok

Sa unang tingin plang mapapaisip ka kung anu ang lasa ng Chizza,
Di katulad ng ibang fried chicken malambot ang laman na at masarap nguyain, ingatan lang ang mga toppings dahil madali sila mahulog, pero para sa mga KFC fanatics… hindi problema yan =)

Pagdating sa Chizza toppings, bell pepper, keso at pineapple na nagbibigay karagdagang lasa. talagang nakakagulat sa sarap

Ang pinaghalong lasa ng pizza toppings at manok ay siguradong magugustuhan. Sigurado ako na magugustuhan ito ng mga foodie at Itallian Food lovers. ikaw? natikman mo na ba ito? try mo!!!! kung tulad ka naming mahilig mag explore ng mga pagkain at chicken lover ka, papahuli ka pa ba? im sure hindi ka mag-sisisi sa sarap. sa pinagsamang Chicken at Pizza Style.

- Sergio, Clarissa. Blogger.