Napakaraming klase ng masasarap na pagkain.Kung baga pera lang ang puhonan mo para mabili at makakain mo ang gusto mo.Katulad na lamang sa dalawang klase ng pagkain na ipipresinta ko sa inyo at isang masarap na inumin na lalong magpapalamig sa inyong pakiramdam.Ito ay madalas nating inihanda sa mga okasyon tulad nang birthday,fiesta,pasko,bagong taon at sa mga mahahalagang araw ng iyong buhay o mapa buong pamilya man kasama ang mga pagkain na ito sa inyong mga hapag-kainanan.Kadalasan ito ang klase ng pagkain na mabibili sa tinatawag nating "fast food".May ibat-ibang klase ng pizza na malaya kang mamaili ng iyong gustong kainin.Ako? Ang pinaka gusto kong klase ng pizza na all time favorite ko ay ang Hawaian Pizza!kakaiba ang hatid na sarap nito,matamis-tamis ang lasa at may pinya pang dala.Isama mo pa ang pinoy style na pasta na may sangkap na mushroom,pinoy style na choriso,na may matamis tamis din na lasa at kesong nagpapasarap ng iyong pandama.At nandito din ang magpapakumpleto ng araw mo ang isang baso na malamig na ice tea na may kasama pang yelo na magpapalamig sa iyong paghinga.Kaya pasintabi po sa lahat ng nagdadiet jaan,dahil mapupuno ng tamis ang iyong buhay sa mga pagkaing dulot,maaaring iwasan mo na lang ang problema kaysa iwasan mo ang pagkaing magbibigay sayo ng saya at ligaya.Sa mga mahihilig magluto mas lalong masarap na kayo na mismo ang maghahatid ng saya sa inyong mga mahal sa buhay,maibabahagi mo pa ang iyong talentoat nagluluto ka para sa mga taong mahal mo na di mo sila hahayaang magutom sa mga luto mong masasarap pa.
At sa pagtatapos ng aking blog nagpapasalamat ako sa guro namin na tinulongan mo po kaming matuto na sa akala namin ay di namin kayang gawin.Hinubog mo kami na may kaalaman,tiwala sa sarili na kaya namin palang gampanan ang trabaho namin bilang estudyante.
At sa lahat ng maglalaan ng panahon para bisitahin ang aming blog maraming-maraming salamat po sa oras na ibinahagi mo para basahin ang aming blog na ito.TARA LET'S EAT!!!




