Oh my FRENCH FRIES! ππππ
Isang banyagang pagkain ngunit isang patok kainin ng mga Pilipino. Ito ay laman ng ating mga kalsada at kasama ng mga streetfoods. Kasama ng kwek-kwek, squidballs, fishballs, cheese stick at samu’t sari pa. Nagmula man ito sa mga banyaga, ay nagustuan at tinangkilik parin ito ng panlasa naten. Nakalakihan na naten ito lalo nung tayo ay pumapasok pa sa elementarya at dali daling bibili ng makakain sa labas. Kasama na ito sa mga kinakain natin ngunit ano nga ba ang lasa nito? Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ito ng iba’t ibang paraan ng pagluluto at pasalin saling lasa na ang ginawa dito ngunit ang pinaka popular na bersyon nito ay ang maalat at matamis na fries. Bukod sa makikita naten ito sa mga fast foods, ay maari din natin mabili ito sa mga pamilihan at gumawa ng sarili sa ating mga kabahayan. Ito ay mula sa patatas. pinroseso at dinagdagan ng mga pampalasa para mas maging kaaya aya ang lasa nito. Sa pagtikim natin dito, lasang lasa ang patatas at ang ginawang flavorings nito. Katulad na lamang ng French fries na binili ko sa SABROSO COMFORT FOOD, napakasarap. Para bang sa bawat subo ko ay napapa-uhmm YUMMY na lang ako. Sa sobrang sarap di ko na alam ang talagang nararamdaman ko. Dito ko naranasan mainlove sa pagkain. Isang friendly fries na magpapasaya sa iyo ng bongga. Wala kong masabe kundi mahal kita french fries. Salamat nandiyan ang mga katulad mo para pasayahin kaming mga single. Haha. Sa iyo ako umibig ng di nasasaktan. Ang french fries na ito ay tinatawag na stress, pain at boredom reliever. Sa makesong lasa at meaty love napapaWoooh ka na lang. Ito ang kasiyahan na hinanahanap mo. Sa sarap, ikaw ay magiging masaya sa buhay.
- Edrian Abenoja, blogger

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento