
simula pagkabata, kinahiligan ko na ang kumain ng kumain. dati kasi ang lusog lusog ko. ewan ko ba kung ngayon bakit ako pumayat. at hanggang ngayon kumakain at mahilig ako sa pizza. sobrang sarap kainin ng pizza lalo na't kung itsura palang katakam takam na. at tila mag lalaway ka sa sobrang sabik na matikman ang pagkain! minsan ay wala na akong pakeelam kung nasosobrahan na ako sa pagkain. ang mahalaga lang sa akin ay masarap ang pagkaing aking kakainin. marami na akong natikman na iba't ibang klase ng pagkain katulad ng kakanin, inihaw, sinabawan, prito, dessert, pasta, at kung ano ano pa. kahit saan pa nagmula ang orihinal na putahe, kung dito man sa pilipinas o pagkaing banyaga, basta masarap at nakakabusog ay tiyak aking kapapanabikang kumain. isa sa pinaka paborito kong pagkain o marahil ang pinakapaborito ko ay sa bansang italya orihinal na nagmula, ito ang pizza!
sino nga ba ang hindi pa nakakatikim sa pizza? halos lahat ng lugar ay may nag bebenta ng mga ganitong pagkain, sa labas man o loob ng mall ay mayroon ito. ang pizza ay tinapay na hugis bilog o parisukat depende sa laki ng pagkakagawa, pagkatapos ay nilalagyan ito ng pizza sauce, keso, at iba't ibang sahog, gaya ng karne (hotdog, sausage, ham, pepperoni, pork, beef, atbp.) at gulay (bellpepper, onion, mushroom, olives, lettuce, cabbage, atbp.) kapag napag sama sama na ang lahat, iluluto na itosa oven hanggang maluto.
Para sa akin, kapag kumakain ako ng pizza, gumagaan ang loob ko at hindi ko naiisip ang mga problema ko. pansamantala lalo na kung ang mga pizza ay gawa at binili sa pizza hut. Gusto ko sa pizza ay maraming keso at karneng sahog at kapag ito ang aking natikman, pwede ko nang maubos ang isang kahon. pero may mga pizza parlor naman na ikaw mismo ang pipili ng iyong mga sahog kaya dito rin matutukoy kung ikaw ay isang vegetarian. Masaya na ako na nakakakain ako ng pizza kahit na mababaw ito para sa iba, upang maging dahilan ng pagiging masaya. pero wala padin akong pakeelam sa sinasabi ng iba basta masarap ang pagkain. kaya simula noon, hinahanap hanap ko na ang pizza at mukhang hindi ata ako mabubuhay kung wala ito.
-Meryl Leslie CastaΓ±eda, Blogger
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento