Linggo, Oktubre 11, 2015

DA BEST PALABOK SA STA. ANA

Sabi nila, ang pinakamasarap na handa sa kaarawan ay cake, spaghetti, at ice cream. Ngunit nang sumapit ang aking 21st birthday, nagbago ang lahat. 
Sa aking ika- dalawampu’t isang kaarawan, ito na yata ang pinaka masarap na palabok na natikman ko! ito ay ang BABY’S PALABOK. Ito ay matatagpuan sa Sta. Ana Manila sa loob ng Sta. Ana Market. Ito ang pinakahuling stall sa mga palabok vendors at masasabi kong sa bawat subo ng palabok ay tiyak na uulit-ulitin mo ito. May kakaiba itong recados na talaga naming labis na nagpatakam sa aking kumakalam na sikmura. Ito  ang pinaka masarap na regalo sa akin ng aking matalik na kaibigan. Talaga nga namang sisimutin mo ang lalagyan kapag ito ay iyong natikman. Ang daming sahog ng palabok na ito na nagsisilbing Competitive advantage nito sa iba. Nakapa gaan sa pakiramdam ng lugar. Good vibes ako palagi sa tuwing napapadaan ako rito at kumakain. Nakapabait rin ng mga taga pamahala nito. The best talaga mula sa produkto hanggang sa Customer Service.
San ka pa? Tara ! Kain tayo. 
Isang beses lang! Ikaw mismo ang humusga 
BETH’S PALABOK ! KABAHAN KA NA !:D   

Miyerkules, Oktubre 7, 2015

#HappinessOverload



















 Dahil sa mahilig ako sa kape na attract ako sa isang food cart na aking nadaanan sa amoy ng mabangong aroma ng kanilang kape. Namangha ako sa kalinisan ng kanilang store at mayroong silang tables na kung saan maaari kang mag stay habang ikaw ay nagkakape.
 Dala nang aking pagkahilig sa kape na enganyo akong bumili nito, at ito ang BARAKO BREWS na kasamang mainit na BIBINGKA. Hindi  ako nagkamali sa aking binili sapagkat  ang kanilang kape ay
nagbigay sa akin ng kakaibang saya at ang kanilang bibingka ay hindi gaanong matamis at hindi rin gaanong maalat  kumbaga sa coke sakto lang . Makakabili ka sa abot kayang halaga, 52 pesos,  may kape kana may bibingka  kapa.  Ang BIBINGKINITAN store ay matatagpuan sa Ermita SM City Manila.


#SarilingHappiness
#HappinessOverload






















Anjanette C. Torres

Biyernes, Oktubre 2, 2015

Da' Conquer-dians: Chicken na Pizza =)

Isa ka ba sa mahilig mag foodtrip na kada may bago, ito ang parati mo nasasambit "WOW, mukhang ang sarap naman noon. tara try natin?." ganyan tayo mga Pilipino mahilig kumain =) past time na natin yan ehh. sa barkada kapag wala kakambal na kainan hindi kumpleto ang bonding natin. pag stress ka pagkain din kakambal mo. tama ba ako?

kaya pagdating sa mga bago pagkain updated tayo dyan at ito yung talagang nakapukaw saking pansin, Chicken na Pizza pa!! ng KFC Chizza



how this happen diba? kumpara natin sa iba pizza na gawa sa tinapay na may iba't-ibang laki.kakaiba diba?

Alam natin na pagdating sa manok magaling talaga ang KFC, at lagi tayo makakasiguro at mabibigla kapag meron sila bagong ihahain satin, Tanong ko lang, paano mo gagawin panibagong putahe ang pizza? Madali lang tangalin mo yung crust at palitan ng manok

Sa unang tingin plang mapapaisip ka kung anu ang lasa ng Chizza,
Di katulad ng ibang fried chicken malambot ang laman na at masarap nguyain, ingatan lang ang mga toppings dahil madali sila mahulog, pero para sa mga KFC fanatics… hindi problema yan =)

Pagdating sa Chizza toppings, bell pepper, keso at pineapple na nagbibigay karagdagang lasa. talagang nakakagulat sa sarap

Ang pinaghalong lasa ng pizza toppings at manok ay siguradong magugustuhan. Sigurado ako na magugustuhan ito ng mga foodie at Itallian Food lovers. ikaw? natikman mo na ba ito? try mo!!!! kung tulad ka naming mahilig mag explore ng mga pagkain at chicken lover ka, papahuli ka pa ba? im sure hindi ka mag-sisisi sa sarap. sa pinagsamang Chicken at Pizza Style.

- Sergio, Clarissa. Blogger.

Miyerkules, Setyembre 30, 2015

TARA LET'S EAT!!!

Napakaraming klase ng masasarap na pagkain.Kung baga pera lang ang puhonan mo para mabili at makakain mo ang gusto mo.Katulad na lamang sa dalawang klase ng pagkain na ipipresinta ko sa inyo at isang masarap na inumin na lalong magpapalamig sa inyong pakiramdam.Ito ay madalas nating inihanda sa mga okasyon tulad nang birthday,fiesta,pasko,bagong taon at sa mga mahahalagang araw ng iyong buhay o mapa buong pamilya man kasama ang mga pagkain na ito sa inyong mga hapag-kainanan.Kadalasan ito ang klase ng pagkain na mabibili sa tinatawag nating "fast food".May ibat-ibang klase ng pizza na malaya kang mamaili ng iyong gustong kainin.Ako? Ang pinaka gusto kong klase ng pizza na all time favorite ko ay ang Hawaian Pizza!kakaiba ang hatid na sarap nito,matamis-tamis ang lasa at may pinya pang dala.Isama mo pa ang pinoy style na pasta na may sangkap na mushroom,pinoy style na choriso,na may matamis tamis din na lasa at kesong nagpapasarap ng iyong pandama.At nandito din ang magpapakumpleto ng araw mo ang isang baso na malamig na ice tea na may kasama pang yelo na magpapalamig sa iyong paghinga.

Kaya pasintabi po sa lahat ng nagdadiet  jaan,dahil mapupuno ng tamis ang iyong buhay sa mga pagkaing dulot,maaaring iwasan mo na lang ang problema kaysa iwasan mo ang pagkaing magbibigay sayo ng saya at ligaya.Sa mga mahihilig magluto mas lalong masarap na kayo na mismo ang maghahatid ng saya sa inyong mga mahal sa buhay,maibabahagi mo pa ang iyong talentoat nagluluto ka para sa mga taong mahal mo na di mo sila hahayaang magutom sa mga luto mong masasarap pa.

At sa pagtatapos ng aking blog nagpapasalamat ako sa guro namin na tinulongan mo po kaming matuto na sa akala namin ay di namin kayang gawin.Hinubog mo kami na may kaalaman,tiwala sa sarili na kaya namin palang  gampanan ang trabaho namin bilang estudyante.
At sa lahat ng maglalaan ng panahon para bisitahin ang aming blog maraming-maraming salamat po sa oras na ibinahagi mo para basahin ang aming blog na ito.TARA LET'S EAT!!!

Martes, Setyembre 29, 2015

pizza! pizza!









simula pagkabata, kinahiligan ko na ang kumain ng kumain. dati kasi ang lusog lusog ko. ewan ko ba kung ngayon bakit ako pumayat. at hanggang ngayon kumakain at mahilig ako sa pizza. sobrang sarap kainin ng pizza lalo na't kung itsura palang katakam takam na. at tila mag lalaway ka sa sobrang sabik na matikman ang pagkain! minsan ay wala na akong pakeelam kung nasosobrahan na ako sa pagkain. ang mahalaga lang sa akin ay masarap ang pagkaing aking kakainin. marami na akong natikman na iba't ibang klase ng pagkain katulad ng kakanin, inihaw, sinabawan, prito, dessert, pasta, at kung ano ano pa. kahit saan pa nagmula ang orihinal na putahe, kung dito man sa pilipinas o pagkaing banyaga, basta masarap at nakakabusog ay tiyak aking kapapanabikang kumain. isa sa pinaka paborito kong pagkain o marahil ang pinakapaborito ko ay sa bansang italya orihinal na nagmula, ito ang pizza!

sino nga ba ang hindi pa nakakatikim sa pizza? halos lahat ng lugar ay may nag bebenta ng mga ganitong pagkain, sa labas man o loob ng mall ay mayroon ito. ang pizza ay tinapay na hugis bilog o parisukat depende sa laki ng pagkakagawa, pagkatapos ay nilalagyan ito ng pizza sauce, keso, at iba't ibang sahog, gaya ng karne (hotdog, sausage, ham, pepperoni, pork, beef, atbp.) at gulay (bellpepper, onion, mushroom, olives, lettuce, cabbage, atbp.) kapag napag sama sama na ang lahat, iluluto na itosa oven hanggang maluto.

Para sa akin, kapag kumakain ako ng pizza, gumagaan ang loob ko at hindi ko naiisip ang mga problema ko. pansamantala lalo na kung ang mga pizza ay gawa at binili sa pizza hut. Gusto ko sa pizza ay maraming keso at karneng sahog at kapag ito ang aking natikman, pwede ko nang maubos ang isang kahon. pero may mga pizza parlor naman na ikaw mismo ang pipili ng iyong mga sahog kaya dito rin matutukoy kung ikaw ay isang vegetarian. Masaya na ako na nakakakain ako ng pizza kahit na mababaw ito para sa iba, upang maging dahilan ng pagiging masaya. pero wala padin akong pakeelam sa sinasabi ng iba basta masarap ang pagkain. kaya simula noon, hinahanap hanap ko na ang pizza at mukhang hindi ata ako mabubuhay kung wala ito.





-Meryl Leslie CastaΓ±eda, Blogger

Sabado, Setyembre 26, 2015

MAS MASARAP KUMAIN


                 Hilig ng bawat isa ang kumain. Minsan, dadayo pa tayo sa ibang lugar para lang makakain ng kakaiba sa panlasa natin. Masaya tayo kapag nakain natin yung gusto nating pagkain. Masaya rin tayo kapag kasama natin ang pamilya, kaibigan o ang taong espesyal sa atin. Hindi mawala ako kwentuhan, tawanan at asaran. Kaya kontento ka na kahit ganun. Hindi mo kailangan maghanap ng taong magpapsaya sayo, makain mo lang yung gusto mong pagkain, masaya ka na. Maiisip mo na lang na mas masarap talaga kumain kesa mainlove. Di ba? Busog ka pa. Haha! Busugin mo na lang ng pagmamahal ang sarili mo at kumain ka na lang. Kapag kumain ka, sasakit ang tiyan mo. Kapag nagmahal ka, hindi lang tiyan masakit sayo, buong katawan mo ramdam ang sakit. Kapag nagutom ka, magkakahanap ka agad ng makakain. Kapag nagmahal ka, gutom ka na nga sa pagmamahal, ang hirap pang hanapin. kapag nag-order ka, kahit matagal, alam mo naman mabibigay rin sayo. Kapag nagmahal ka, naghintay ka na nga ng matagal, pinaasa ka pa. Kapag nakita mo yung pagkain na gusto mo, buo ang araw mo. Kapag nakita mo yung ex mo, sira ang araw mo.  Kaya kumain ka na lang kaysa lumablayp, malalaman mo ang tunay na ligaya.
               
               Okay, tama na sa paghugot. May gusto kasi talaga akong ikwento, tungkol sa paborito kong pagkain. Oh di ba? Humugot muna ako bago magkwento. Haha! So, sisimulan ko na. Kasi hilig naming magkakaibigan ang magfoodtrip, kaya kapag nagugutom kami lalabas kami ng school para bumili ng kung anu-ano. Nagagawa naming magfoodtrip tuwing sabado. Kasi tuwing sabado, magbbasketball yung mga kaibigan ko sa school. Pagkatapos nilang magbasketball, magkayayaan kaming kumain. Yung isa kong kaibigan, nagbigay ng suggestion kung saan kami pwede kumain. Kaya sumakay na kami. Kala naming malapit lang sa binabaan naming yung kainan, yung pala maglalakad ka pa sa may tulay para makarating doon. Dahil hindi kami pamilyar sa lugar, naligaw kami. Saya eh! Jk. Syempre pag naligaw ka, magtatanong ka para lang makarating sa pupuntahan mo. Ayun, may nagsabi kung saan yung kainan nay un. Nung nakarating na kami doon, ang saya namin kasi nakarating din kami sa wakas. Whooo! :D Maganda yung lugar kahit maliit. Nahanap agad kami ng mauupuan at nag-order na agad kami.  Ang daming pagpipiliian, pero kailangan ko lang pumili ng isa. Dahil pag nagamahal ka, dapat isa lang. Hindi dalawa, hindi tatlo, isa lang. Wag sugapa, okay? Kaya ang napili ko ay NACHOS at RED ICED TEA.(hindi ko nasama sa picturan. Haaaaaaaaaaaaay!) Habang naghihintay kami ng order, tinitignan ko ang mga taong nandoon. Makikita sa kanila na masaya sila, nagkakatuwaan at nasasarapan sa kinakain nila. Kaya lalo akong naatat na kumain. Yung nakita ko na palapit na yung inorder ko, napapalunok at nanlaway na ko. (OA ba? Wala akong pake.) Yung nasa harap ko na young inorder ko, ang saya ko kasi makakain na ko.(Walang munang kakausap sa ‘kin, gutom ako.) Nung kinain ko na, ang crispy at cheesyyy! Tapos yung inumin, saktong sakto sa nachos.(Perfect Combination! Hihi!) Ang sarap, grabe J Gumaan ang pakiramdam ko, kasi nakain ko yung gusto kong pagkain. Sa wakas nakain ko, kasi ilang araw ako nagccrave sa nachos. Sisimutin mo talaga kahit yung maliliit na natira. Sulit na sulit ang bayad ko. Binusog na ko, pinasaya pa ko. Uuwi ka na may ngiti sa iyong mga mata. Kahit anong nachos, masarap pa rin. TRY MO NA! Punta na sa SABROSO COMFORT FOOD- STA.MESA, MANILA. Comfort food at its best.Wala namang mawawala sayo. Siguradong masasarapan ka. Sinsasabi ko na sayo ngayon, hindi ka magsisisi sa huli. Kaya kain na ng nachos!
               
              Ito lang yun eh, hindi mo kailangan idepende sa iba ang kasiyahan mo, hangga’t may pagkain may Forever!!! (Ano daw?) Hindi ka iiwanan. Papasayahin ka kapag malungkot ka. Papatahanin ka sa pag-iyak. Magpapaagan sa kalooban mo. Papatabain ka sa pagmamahal.  At dadalhin ka sa alapaap. 

Kung mababasa mo man ‘to, salamat sayo!

O K A Y . B Y E . 

-Aina Fortaleza, blogger :)

Frenzy Friends Fries 🍟😱

Oh my FRENCH FRIES! πŸ˜‹πŸŸπŸŸπŸŸ



         Isang banyagang pagkain ngunit isang patok kainin ng mga Pilipino. Ito ay laman ng ating mga kalsada at kasama ng mga streetfoods. Kasama ng kwek-kwek, squidballs, fishballs, cheese stick at samu’t sari pa. Nagmula man ito sa mga banyaga, ay nagustuan at tinangkilik parin ito ng panlasa naten. Nakalakihan na naten ito lalo nung tayo ay pumapasok pa sa elementarya at dali daling bibili ng makakain sa labas. Kasama na ito sa mga kinakain natin ngunit ano nga ba ang lasa nito? Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ito ng iba’t ibang paraan ng pagluluto at pasalin saling lasa na ang ginawa dito ngunit ang pinaka popular na bersyon nito ay ang maalat at matamis na fries. Bukod sa makikita naten ito sa mga fast foods, ay maari din natin mabili ito sa mga pamilihan at gumawa ng sarili sa ating mga kabahayan. Ito ay mula sa patatas. pinroseso at dinagdagan ng mga pampalasa para mas maging kaaya aya ang lasa nito. Sa pagtikim natin dito, lasang lasa ang patatas at ang ginawang flavorings nito. Katulad na lamang ng French fries na binili ko sa SABROSO COMFORT FOOD, napakasarap. Para bang sa bawat subo ko ay napapa-uhmm YUMMY na lang ako. Sa sobrang sarap di ko na alam ang talagang nararamdaman ko. Dito ko naranasan mainlove sa pagkain. Isang friendly fries na magpapasaya sa iyo ng bongga. Wala kong masabe kundi mahal kita french fries. Salamat nandiyan ang mga katulad mo para pasayahin kaming mga single. Haha. Sa iyo ako umibig ng di nasasaktan. Ang french fries na ito ay tinatawag na stress, pain at boredom reliever. Sa makesong lasa at meaty love napapaWoooh ka na lang. Ito ang kasiyahan na hinanahanap mo. Sa sarap, ikaw ay magiging masaya sa buhay.


- Edrian Abenoja, blogger 

Martes, Setyembre 22, 2015

Solb sa Sarap na Sulit na uulit-ulitin πŸ”πŸ’žπŸ˜²



Bakit nga ba tayo kumakain? Napakadaming maaring idahilan;
A. Gutom ako e
B. Kailangan kong mabuhay
C. Nais kong maging masaya
D. Bored nga kase ako
E. Libre (masarap kumain lalo na pag libre) di ba?! 🐷
F. Sayang, bawal tumanggi sa grasya
G. Madame kaseng pera
H. Natakam ako at naakit 

          Ngayon aking ipadadama sa inyo  ang tunay na ligaya sa pagkain. Paniguradong mararanasan mo at malalaman ang tunay na kahuluganl nito. Nakakain ka na ba ng pagkain na parang galing langit na inihanda ng Diyos para sa iyo? Kung hindi pa, halina at sariwain natin ang aking karanasan. Nais ko ibahagi ang ligayang aking natamo. Ika nga nila, lilipad ka sa langit at malilimutan mo ang iyong pangalan kapag naranasan mong kumain ng pagkain na naguumapaw sa sarap at kaligayahang maidudulot. 

          Isang araw, nagkayayaan kami ng aking mga kaibigan na kumain. Hilig kase namin ang magexplore o mag foodtrip kung saan saan. Nagrekomenda ang isa kong kaibigan na inirekomenda rin sa kanya ng kanyang kaibigan na paniguradong irerekomenda ko din sa inyo. Haha di ba? May daloy, tunay kaseng maikekwento mo sa lahat kapag nakakain ka na dito. Saan nga ba yun at ano nga ba ang tinutukoy ko? Handa ka na bang matakam at magutom? Game! Dahil nga unang sabak namin sa lugar na iyon, hindi pa kami pamilyar sa lugar. Nagtanong tanong kami. Nilakad at ginawa namin ang lahat upang makarating doon. Sa aming paghahanap, natanaw ko na isang pwesto na maraming tao. Marami ang nakapila at napakahaba nito. Halos parang may libreng bigas na ibinibigay at ang mga bata ay nagaagawan at baka maubusan. Maganda ang lugar, kaakit akit din. Naramdam ko na mukang magiging sulit ang pagod namin. Nung kami na ang oorder, nahirapan ako sa pagpili dahil sa lahat ay masarap. Makikita mo sa bawat taong kumakain ay nageenjoy at nalalasahan ang kalangitan sa bawat subo. Nakakatakam. Hays! Ngunit sabe nga dapat makuntento sa isa kaya pinili ko ay BACON MUSHROOM MELT AT RED ICED TEA . Sa tagal ng aming paghihintay dahil sa dami ng tao, tumulo ang laway ko ng dumating na ang order ko. Away away muna tayo guys, akin lang ang burger ko! Haha peace! Kahit maliit ang lugar at kailangan pa maghintay upang makaupo, worth it naman kapag nasa iyong mga palad na ang mainit na naguumapaw sa kesong dilaw na hinaluan ng madameng bacon at mushroom na may kasama pang malamig pulang iced tea na bumabagay sa kulay din ng burger. Pulang pula, na sumasagisag ng pagibig! Mahal ko na talaga to! Natameme ako at para bang ako lang ang tao sa mundo sa sarap. Solb na solb ako, sa halagang isaandaang piso may pagkaing galit langit ka na! Oha! San ka pa? Pangalan palang nakakatakam na, paano pa kaya yung pagkain. Alam mo yung pakiramdam na crush ka ng crush mo at mahal ka ng mahal mo, yung galak pinagshopping ka pa ng mama mo at ligaya na nakatulong ka sa kapwa mo. Yan yung naramdaman ko at yung tipong di ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko. Sa bawat kagat, tunay na ligaya. Sarap ulit ulitin. Ang bongga! Sarap mainlove diba? Pwes, dito ka na lang umibig at sigurado ka pang di ka sasaktan. Papasiyahin ka lang. May forever wag kang bitter! Haha kain ka na lang, di ka pa aasa. Tunay na ligaya, tanging dito mo mararanasan. Hugot ba? Totoo lang. Wag kang matakot magtry, ako na mismo nagsasabe sayo. 

          Sa pagtatapos ng aking blog na ito, nais kong sabihin sayo na salamat sa paglalaan mo ng iyong gintong oras sa pagbabasa nito. Nandito ako para tulungan ka maging masaya. Wag ka matakot sumubok dahil dito mo mararating ang tunay na kaligayahan na iyong hinahanap. Sabe nga nila, to see is to believe and to taste is to see. Kaya go na! Kain na! Magbabago pananaw mo sa buhay pag natikman mo ang BACON MUSHROOM MELT ng Sabroso Comfort Food sa Sta. Mesa , Manila. Ang heaven in land. Huminga ng malalim, sundan ang iyong pangarap. Uhmm Yummy! 


-Nikka Flores Nolasco, blogger πŸ‘πŸΌπŸ’–