Linggo, Oktubre 11, 2015

DA BEST PALABOK SA STA. ANA

Sabi nila, ang pinakamasarap na handa sa kaarawan ay cake, spaghetti, at ice cream. Ngunit nang sumapit ang aking 21st birthday, nagbago ang lahat. 
Sa aking ika- dalawampu’t isang kaarawan, ito na yata ang pinaka masarap na palabok na natikman ko! ito ay ang BABY’S PALABOK. Ito ay matatagpuan sa Sta. Ana Manila sa loob ng Sta. Ana Market. Ito ang pinakahuling stall sa mga palabok vendors at masasabi kong sa bawat subo ng palabok ay tiyak na uulit-ulitin mo ito. May kakaiba itong recados na talaga naming labis na nagpatakam sa aking kumakalam na sikmura. Ito  ang pinaka masarap na regalo sa akin ng aking matalik na kaibigan. Talaga nga namang sisimutin mo ang lalagyan kapag ito ay iyong natikman. Ang daming sahog ng palabok na ito na nagsisilbing Competitive advantage nito sa iba. Nakapa gaan sa pakiramdam ng lugar. Good vibes ako palagi sa tuwing napapadaan ako rito at kumakain. Nakapabait rin ng mga taga pamahala nito. The best talaga mula sa produkto hanggang sa Customer Service.
San ka pa? Tara ! Kain tayo. 
Isang beses lang! Ikaw mismo ang humusga 
BETH’S PALABOK ! KABAHAN KA NA !:D   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento