Hilig ng bawat isa ang kumain. Minsan, dadayo pa tayo sa
ibang lugar para lang makakain ng kakaiba sa panlasa natin. Masaya tayo kapag
nakain natin yung gusto nating pagkain. Masaya rin tayo kapag kasama natin ang
pamilya, kaibigan o ang taong espesyal sa atin. Hindi mawala ako kwentuhan,
tawanan at asaran. Kaya kontento ka na kahit ganun. Hindi mo kailangan maghanap
ng taong magpapsaya sayo, makain mo lang yung gusto mong pagkain, masaya ka na.
Maiisip mo na lang na mas masarap talaga kumain kesa mainlove. Di ba? Busog ka
pa. Haha! Busugin mo na lang ng pagmamahal ang sarili mo at kumain ka na lang.
Kapag kumain ka, sasakit ang tiyan mo. Kapag nagmahal ka, hindi lang tiyan
masakit sayo, buong katawan mo ramdam ang sakit. Kapag nagutom ka, magkakahanap
ka agad ng makakain. Kapag nagmahal ka, gutom ka na nga sa pagmamahal, ang
hirap pang hanapin. kapag nag-order ka, kahit matagal, alam mo naman mabibigay
rin sayo. Kapag nagmahal ka, naghintay ka na nga ng matagal, pinaasa ka pa. Kapag
nakita mo yung pagkain na gusto mo, buo ang araw mo. Kapag nakita mo yung ex
mo, sira ang araw mo. Kaya kumain ka na
lang kaysa lumablayp, malalaman mo ang tunay na ligaya.
Okay,
tama na sa paghugot. May gusto kasi talaga akong ikwento, tungkol sa paborito
kong pagkain. Oh di ba? Humugot muna ako bago magkwento. Haha! So, sisimulan ko
na. Kasi hilig naming magkakaibigan ang magfoodtrip, kaya kapag nagugutom kami
lalabas kami ng school para bumili ng kung anu-ano. Nagagawa naming magfoodtrip
tuwing sabado. Kasi tuwing sabado, magbbasketball yung mga kaibigan ko sa
school. Pagkatapos nilang magbasketball, magkayayaan kaming kumain. Yung isa
kong kaibigan, nagbigay ng suggestion kung saan kami pwede kumain. Kaya sumakay
na kami. Kala naming malapit lang sa binabaan naming yung kainan, yung pala
maglalakad ka pa sa may tulay para makarating doon. Dahil hindi kami pamilyar
sa lugar, naligaw kami. Saya eh! Jk. Syempre pag naligaw ka, magtatanong ka
para lang makarating sa pupuntahan mo. Ayun, may nagsabi kung saan yung kainan nay
un. Nung nakarating na kami doon, ang saya namin kasi nakarating din kami sa
wakas. Whooo! :D Maganda yung lugar kahit maliit. Nahanap agad kami ng mauupuan
at nag-order na agad kami. Ang daming
pagpipiliian, pero kailangan ko lang pumili ng isa. Dahil pag nagamahal ka,
dapat isa lang. Hindi dalawa, hindi tatlo, isa lang. Wag sugapa, okay? Kaya ang
napili ko ay NACHOS at RED ICED TEA.(hindi ko nasama sa picturan.
Haaaaaaaaaaaaay!) Habang naghihintay kami ng order, tinitignan ko ang mga taong
nandoon. Makikita sa kanila na masaya sila, nagkakatuwaan at nasasarapan sa
kinakain nila. Kaya lalo akong naatat na kumain. Yung nakita ko na palapit na
yung inorder ko, napapalunok at nanlaway na ko. (OA ba? Wala akong pake.) Yung
nasa harap ko na young inorder ko, ang saya ko kasi makakain na ko.(Walang
munang kakausap sa ‘kin, gutom ako.) Nung kinain ko na, ang crispy at cheesyyy!
Tapos yung inumin, saktong sakto sa nachos.(Perfect Combination! Hihi!) Ang
sarap, grabe J Gumaan
ang pakiramdam ko, kasi nakain ko yung gusto kong pagkain. Sa wakas nakain ko,
kasi ilang araw ako nagccrave sa nachos. Sisimutin mo talaga kahit yung
maliliit na natira. Sulit na sulit ang bayad ko. Binusog na ko, pinasaya pa ko.
Uuwi ka na may ngiti sa iyong mga mata. Kahit anong nachos, masarap pa rin. TRY
MO NA! Punta na sa SABROSO COMFORT FOOD- STA.MESA, MANILA. Comfort food at its best.Wala namang mawawala sayo. Siguradong masasarapan ka. Sinsasabi ko na
sayo ngayon, hindi ka magsisisi sa huli. Kaya kain na ng nachos!
Ito lang
yun eh, hindi mo kailangan idepende sa iba ang kasiyahan mo, hangga’t may
pagkain may Forever!!! (Ano daw?) Hindi ka iiwanan. Papasayahin ka kapag
malungkot ka. Papatahanin ka sa pag-iyak. Magpapaagan sa kalooban mo.
Papatabain ka sa pagmamahal. At dadalhin
ka sa alapaap.
Kung
mababasa mo man ‘to, salamat sayo!
O K A Y . B Y E .
-Aina Fortaleza, blogger :)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento