A. Gutom ako e
B. Kailangan kong mabuhay
C. Nais kong maging masaya
D. Bored nga kase ako
E. Libre (masarap kumain lalo na pag libre) di ba?! π·
F. Sayang, bawal tumanggi sa grasya
G. Madame kaseng pera
H. Natakam ako at naakit
Ngayon aking ipadadama sa inyo ang tunay na ligaya sa pagkain. Paniguradong mararanasan mo at malalaman ang tunay na kahuluganl nito. Nakakain ka na ba ng pagkain na parang galing langit na inihanda ng Diyos para sa iyo? Kung hindi pa, halina at sariwain natin ang aking karanasan. Nais ko ibahagi ang ligayang aking natamo. Ika nga nila, lilipad ka sa langit at malilimutan mo ang iyong pangalan kapag naranasan mong kumain ng pagkain na naguumapaw sa sarap at kaligayahang maidudulot.
Isang araw, nagkayayaan kami ng aking mga kaibigan na kumain. Hilig kase namin ang magexplore o mag foodtrip kung saan saan. Nagrekomenda ang isa kong kaibigan na inirekomenda rin sa kanya ng kanyang kaibigan na paniguradong irerekomenda ko din sa inyo. Haha di ba? May daloy, tunay kaseng maikekwento mo sa lahat kapag nakakain ka na dito. Saan nga ba yun at ano nga ba ang tinutukoy ko? Handa ka na bang matakam at magutom? Game! Dahil nga unang sabak namin sa lugar na iyon, hindi pa kami pamilyar sa lugar. Nagtanong tanong kami. Nilakad at ginawa namin ang lahat upang makarating doon. Sa aming paghahanap, natanaw ko na isang pwesto na maraming tao. Marami ang nakapila at napakahaba nito. Halos parang may libreng bigas na ibinibigay at ang mga bata ay nagaagawan at baka maubusan. Maganda ang lugar, kaakit akit din. Naramdam ko na mukang magiging sulit ang pagod namin. Nung kami na ang oorder, nahirapan ako sa pagpili dahil sa lahat ay masarap. Makikita mo sa bawat taong kumakain ay nageenjoy at nalalasahan ang kalangitan sa bawat subo. Nakakatakam. Hays! Ngunit sabe nga dapat makuntento sa isa kaya pinili ko ay BACON MUSHROOM MELT AT RED ICED TEA . Sa tagal ng aming paghihintay dahil sa dami ng tao, tumulo ang laway ko ng dumating na ang order ko. Away away muna tayo guys, akin lang ang burger ko! Haha peace! Kahit maliit ang lugar at kailangan pa maghintay upang makaupo, worth it naman kapag nasa iyong mga palad na ang mainit na naguumapaw sa kesong dilaw na hinaluan ng madameng bacon at mushroom na may kasama pang malamig pulang iced tea na bumabagay sa kulay din ng burger. Pulang pula, na sumasagisag ng pagibig! Mahal ko na talaga to! Natameme ako at para bang ako lang ang tao sa mundo sa sarap. Solb na solb ako, sa halagang isaandaang piso may pagkaing galit langit ka na! Oha! San ka pa? Pangalan palang nakakatakam na, paano pa kaya yung pagkain. Alam mo yung pakiramdam na crush ka ng crush mo at mahal ka ng mahal mo, yung galak pinagshopping ka pa ng mama mo at ligaya na nakatulong ka sa kapwa mo. Yan yung naramdaman ko at yung tipong di ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko. Sa bawat kagat, tunay na ligaya. Sarap ulit ulitin. Ang bongga! Sarap mainlove diba? Pwes, dito ka na lang umibig at sigurado ka pang di ka sasaktan. Papasiyahin ka lang. May forever wag kang bitter! Haha kain ka na lang, di ka pa aasa. Tunay na ligaya, tanging dito mo mararanasan. Hugot ba? Totoo lang. Wag kang matakot magtry, ako na mismo nagsasabe sayo.
Sa pagtatapos ng aking blog na ito, nais kong sabihin sayo na salamat sa paglalaan mo ng iyong gintong oras sa pagbabasa nito. Nandito ako para tulungan ka maging masaya. Wag ka matakot sumubok dahil dito mo mararating ang tunay na kaligayahan na iyong hinahanap. Sabe nga nila, to see is to believe and to taste is to see. Kaya go na! Kain na! Magbabago pananaw mo sa buhay pag natikman mo ang BACON MUSHROOM MELT ng Sabroso Comfort Food sa Sta. Mesa , Manila. Ang heaven in land. Huminga ng malalim, sundan ang iyong pangarap. Uhmm Yummy!


Haha nice :) Burger na masarap π
TumugonBurahinTry mo HEAVEN hahhaha π
TumugonBurahinwow mukhang masarap yan :)
TumugonBurahinNot a food enthusiast pero naappreciate ko talaga 'to ng sobra! Good job :)
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinNabago nga pananaw ng buhay ko netong BACON MUSHROOM MELT xD
TumugonBurahin